shiyet, natuwa naman ako.
------
nagmeeting ako kanina kasama ang kliyente. kasama kong humarap si J (isang lokal na taga-plano ng singapore), pagkatapos ng meeting namin, sinamahan niya akong kumain dahil hindi pa ako nagtatanghalian. so, nagkwentuhan na din kami, at nabanggit niya ang pinag-usapan nila ni A (isa ko pang kliyente sa media side).
lumisan na kasi itong boss ni J na si L. si L naging matalik ko ding kaibigan dahil parati ko siyang ka-trabaho, masaya naman kasi katrabaho si L at J - kaya wala akong problema sa kanila, at madalas pagkatapos ng meeting, nagtatawanan na lang kami at nagkwekwentuhan.
nabanggit sa akin ni J ang napag-usapan nila ni A. kinamusta daw siya ni A, kasi nga baguhan lang siya at wala na si L. sabi ni J, ok naman daw siya at inaalagaan siya ng skincare team (kame, kasi ang parati niyang nakaktrabaho) - kumbaga, pag may tanong, nasasagot namin at may kunsiderasyon kame sa kanya.
ang sagot daw ni A, (i will not translate the statement, so i can remember this when i look back at posts - yes, this is for my own benefit, when i need to boost my confidence) -- "anton is one of the better people in CCT, i like him the most." pucha. galing ito sa kliyente namin ah.
nabanggit ko nga sa isa kong kasamahan na feeling ko, ayaw ako ni A nung naguumpisa pa lamang ako. ang sabi ko nga, ok lang, magtratrabaho lang naman ako, basta ba't ginagawa ko ang trabaho ko, at kahit papano ay gusto naman ako ng mga brand people, pwede na sa akin iyon. kailangan ko lang makisama. kaya't di ko lubos maisip na mababanggit ni A iyon. pero dahil don sa sinabi niya, natuwa ako at masaya ako.
ngayon, at least alam ko na may respeto at gusto ako ng mga katrabaho kong cliente - brand and media side. masaya din naman ako sa mga taong nasa taas ko sa team na ito. pero, yun nga lang, may mga bagay na pinagiisipan din ako, tignan natin, bahala na...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home